Mga Red Flags Na Dapat Bantayan sa Isang Relasyon
Lost? Read This Article In English
Sa mga relasyon, may dalawang posibleng mangyari kapag may nahuling red flags: pwede naman ayusin n’yo agad—lalo na kapag may mahuli ka o ‘yung jowa mo habang bago pa kayo. Pero, pwede ding matsugi ang samahan ‘nyo. Mas makakabuti sa’yong dalawa kung pinagusapan n’yo to habang maaga pa. Gusto naman nating lahat may happy ending, diba?
Pero kung marami ka nang nahuling red flags, nako—napakadelikado naman! Ingatan ang sarili para hindi masaktan. Dapat alam mo kung ano talaga ang hinahanap at ayaw mo sa isang taong gusto mong makasama habambuhay.
Eto ang mga red flags dapat iwasan sa isang relasyon:
1. MU – Malabong Usapan
Ang komunikasyon ay isa sa mga nagpapalakas sa isang relasyon. Ilang beses na ba natin ‘tong narinig? Marami, diba?
Kaso, may ilan pa rin na hindi makaintindi dito.
Kung ganyan ang jowa mo, baka siguro malabo siyang kausap. At kung malabo siyang kausap, hindi kami sigurado kung magtatagal pa kayo.
Ito ang mga senyales na nagpapahiwatig ng kakulangan ng komunikasyon n’yong dalawa:
- Makokonsensya ka kapag inilabas mo ang emosyonal na pinagdadaanan mo sa jowa mo
- Ina-assume mo na lang kung anong iniisip ng jowa mo at hindi ka na lang nagtanong
- Lagi kang iniiwasan
- Lagi n’yong pinupunahan ang isa’t isa
- Masayadong defensive siya sa mga problemo n’yo
Walang bagay na hindi nadadaan sa magandang usapan. Pero kung iniiwasan n’yo ‘to, baka magkakaproblema kayo. Ayusin n’yo muna ‘to bago pa ‘to lumala, ha?
2. Iniiwasan ang mga problema
Wala na mang gustong magkaproblema, diba? Kaso, walang perpektong relasyon—merong mga isyung dadaan na kailangan nyong harapin. Kung wala lang ‘yung jowa mo sa mga problema ‘nyo, hindi mong mapigilang mag-isip na wala siyang pakialam.
Pag isang “sorry” lang ang makukuha mo pagkatapos ng isang away, isipin mo kung sapat ‘yon—lalo na kung magpaliwanag ang jowa mo kung bakit kayo nag-away. Kung hindi n’yo namang pinagusapan ang mga problema nyo, nako, sis—sign na ‘yon! Babalik at babalik ‘to hanggang magkakagulo kayong dalawa.
3. Minamaliit at binabalewala ang mga nararamdaman mo
Kung laging minamaliit at binabalewala ng jowa ang mga nararamdaman mo, baka senyales na ‘yon para umalis ka na. Walang sinuman ay dapat makaranas ng ganito. Pinakingan nya ba ang mga opinyon mo, lalo na kapag magde-desisyon? Kung hindi, malaking red flag na ‘yon. Humanap ka ng tao na marunong umintindi at umunawa kung saan ka nangagaling.
4. Laging wala
Nandyan ba ang jowa mo kung kailangan mo siya, lalo na kung may pinagdaanan ka? Kung hindi, sa totoo lang, hindi siya maaasahan dahil wala siyang pakialam. Dapat tandaan: siya ang isa sa mga tao na laging dapat nasa tabi mo—at hindi lang sa pisikal na pamaraan. Masamang sinyales na ‘yan kung hindi siya gano’n.
5. Takot sa commitment
May commitment issues ba ang jowa mo? Red flag na ‘yan, mumsh! Diba dapat buong-buo ang ang pag-iibigan n’yo, diba? Baka may tinatago siyang mga insecurities or issues.
Ayon sa sikolohiya, ang mga taong may commitment issues ay hindi muna nagpahalata na meron silang ganitong problema. Pero, mararamdaman mo ang mga isyu nila sa paglipas ng panahon.
Eto ang mga dapat bantayin:
- Nagdalawang-isip siya sa mga bagay tulad ng pagkakasal at pagbuo ng pamilya
- Katuwaan at kaswal ang hinahanap niya
- Hindi niya naisip kung ikaw ang gusto niyang makasama habambuhay
- Sobra-sobra ang rhetorical questions niya (“Mahala niya ba talaga ako?” “Handa na talaga ako sa ganitong relasyon?”)
- Hindi siya natatakot na mawala ka
6. Magkaibang ugali at paniniwala
Hindi naman dapat pareho kayong ugali at paniniwala, ha! Pero heto ang masasabi namin: dapat meron kayong nonnegotiables. Ano ang pwede? Ano ang bawal? May hangganan din ang standards niyo—’wag n’yong lokohin ang mga sarili n’yo.
Lahat tayo ay pinalaki sa iba’t ibang lugar at paaran. Kung hindi ‘yan ginalang ng jowa mo, walang kasiguraduhang maging matatag ang samahan n’yo.
7. Makgaibang opinyon o tingin sa pera
Ang usapang pera ay isang delikadong bagay, kahit na sa mag-jowa pa kayong dalawa. Pero, kailangan ‘tong mapag-usapan, eh—lalo na kung nag live-in kayo o may plano kayong mag magpakasal. Hindi naman dapat pare-parehang opinyon n’yo sa pera, pero dapat din magkasundo kayo dito.
Kung pakiramdam mo ay hindi kayo magkasundo sa jowa mo sa usapang pera, pag-isipan mo nang mabuti ang iyong susunod na mga hakbang.
8. Kulang sa o walang ambisyon/pangarap sa buhay
Okay naman kung simple lang ang mga pangarap o ambisyon ng jowa mo sa buhay. Pero kung walang-wala siyang direksyon, ay—ibang usapan na ‘yan! Paano na ang future n’yo kung ikaw lang ang maaasahan n’yong dalawa?
Aminin natin: mas maaakit tayo sa mga taong may direksyon/pangarap/ambisyon sa buhay. Siguraduhin mo na kaya ng jowa mo na suportahan ka sa pampinansyal na paraan.
9. Sobrang madamot
Natural lang sa mga Pinoy ang pagiging mapagbigay. Kung madamot ang jowa mo, isa na ‘yang red flag, sis.
Maraming dahilan kung bakit madamot ang jowa mo. Siguro sarili nya lang ang inuna nya. Hindi naman pwede ‘yan sa isang relasyon, diba? Kung hindi patas ang pagbigayan, magkakaproblema na kayo.
10. Andyan pa rin si ex sa isip, puso, at buhay nya
Hindi ‘to tungkol sa pisikal na presensya. At wala namang masama kung okay sila sa social media; siguro senyales ‘to na naka-move on na silang dalawa.
Pero kung lagi ka nyang ikumpara sa ex nya, ay—isa lang ang ibig sabihing nito: meron pa siyang nararamdaman para sa kanya. Kung gusto mong malaman kung ito nga ang sitwasyon nyo, eto ang mga dapat mong batanyan:
- Kumuha siya ng emotional support sa ex kung meron siyang problema sa’yo o sa mga bagay-bagay
- Abangers (naka-abang) siya lagi sa kanyang mga social media profiles at ni-like halos lahat ng posts niya
- Masyadong siyang excited kung makapunta siya ng event na alam nyang pupunta din si ex
- Hindi siya komportable kapag magkasalubong sila
11. Nalulong sa bisyo at adiksyon
Kung hindi niya kayang bitawan ang kanyang mga bisyo at adiksyon, tiyak na magkakagulo kayong dalawa—lalo na kung ginawa nyang mundo ang mga ito.
12. Abusado
Hindi katanggap-tanggap ang anumang paraang pang-aabuso sa isang tayo. Di ‘yan dapat tularan kahit na ang mga mahal mo sa buhay ang nananakit sa’yo.
Nagawa na ba nya ‘yan sa’yo? Kung oo, umalis ka na. Ang mali ay mali—kahit isang beses lang nyang nagawa ‘to. Hindi dapat manakit ang kabiyak mo sa kahit anong paraan.
13. Laging mainit ang ulo
Kung palaging pikon at mainit ang ulo ang jowa mo, hindi na ‘yan makakabuti sa’yong dalawa. Baka may magawa siyang hindi na niya mababawi. Huwag magdalawang-isip na kumunsulta ng propesyonal na tulong bago pa ‘to lumala. Isipin mo rin kung mahalaga pa ba ang pagsamahan nyo, lalo nya kung ayaw nya ng tulong.
14. Manloloko
Nakaka-trauma kung niloko ka ng jowa mo, lalo na kung maraming beses na nyang nagawa sa’yo ‘yon. Huwag mong bigyang katwiran ang pangangaliwa nya; hindi lahat ng bagay ay dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon.
15. Masyadong pesemista
Hindi naman kailangan maging masaya palagi. Pero, ibang usapan na ‘yan kapag malaging pesemista ‘yung jowa mo. Baka meron siyang tinatago?
16. Hindi ka ipinakilala sa kanyang mga kaibigan at pamilya
Ang pamilya isa sa mga bagay na pinahahalagahan ng kulturang Pilipino. Kung hindi ka pa nya ipinakilala sa pamilya na, isa na namang red flag ‘to. Masamang senyales din kung hindi ka pa nya payagan makipaghalubilo sa mga kaibigan nya.
17. Masyadong matamlay siya
Isa sa mga pinaka-ayaw sa isang tao ay ang matamlay na jowa. Parang mas masarap kausap ang pader, diba? Hindi naman kailangan maging komedyante siya, pero dapat may sigla din siya sa pakipag-usap sa’yo.
Ayun ang mga red flags na dapat mong bantayan. Naghahanap ka ba ng taong gusto mong ligawan o jowahin? Buti na lang may maraming Pinoy dating sites para sa’yo. Subukan mo ang trulyfilipino.com! Eto ang site na pwede kang makighalubilo sa mga kapwa mong singles.